^

Police Metro

Employer ‘di exempted sa pagbibigay ng 13th month pay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang employer ang exempted sa pagbibigay ng 13th-month pay kahit isang buwan pa lang na empleyado o maging kasam­bahay.

Ito ang ipinaalala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na hindi dapat lumagpas ng Disyembre 24, 2022 o mas mainam na bago pa sumapit ang nasabing petsa ay naipagkaloob na ang 13th month pay.

“Bagamat alam naman nating na ‘yung mga kumpanya, na alam naman natin na ang mga nasa kate­gorya na micro, small and medium enterprises (MSMEs) ay hirap pa rin dahil hindi pa sila lubusang nakakabangon, pero gusto ko lang sabihin na wala pong exemption sa pagbabayad ng 13th month pay,” ani Laguesma.

“Puwedeng pag-usapan ng manggagawa at emplo­yer kung paano matutugunan ang 13th month pay kung hirap ang kanilang kumpanya.”

Nanawagan si Laguesma sa mga employer na huwag nang hintayin ang deadline at ibigay ang 13th-month pay nang mas maaga.

“Entitled din ang mga kasambahay para sa 13th month pay,” dagdag pa niya.

 

vuukle comment

13TH MONTH PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with