^

Police Metro

PNP sa PAGCOR: Listahan ng legit POGO operators isumite

Doris Franche - Pang-masa
PNP sa PAGCOR: Listahan ng legit POGO operators isumite
Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na ang hiling nila sa PAGCOR ay nakikita nilang istratehiya upang hindi na sila gumugol pa ng mahabang oras sa pag-crackdown sa mga iligal na POGO sa bansa.
Tory Ho / AFP / File

MANILA, Philippines — Upang matuldukan na ang insidente ng kidnapping at ibang criminal activities, dawit ang ilang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay pinasusumite ng Philippine National Police (PNP) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang listahan ng lehitimong operator ng POGO sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na ang hiling nila sa PAGCOR ay nakikita nilang istratehiya upang hindi na sila gumugol pa ng mahabang oras sa pag-crackdown sa mga iligal na POGO sa bansa.

Aniya, tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa Department of Justice, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Chinese Embassy at iba pang ahensya para tutukan ang mga isyu at problema tungkol sa operasyon ng mga POGO.

Sisilipin din aniya ang business permit ng mga POGO at nakiki­pag-ugnayan din sila sa Bureau of Immigration (BI) upang magkaroon ng records ang mga Chinese na pumupunta sa bansa para magtrabaho.

Kadalasang nangya­yari na ang POGO sa bansa ang ginagawang taguan ng mga Chinese na may kaso sa kanilang bansa.

vuukle comment

PAGCOR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with