^

Police Metro

Tatay ng Ateneo gunman, itinumba

Doris Franche - Pang-masa
Tatay ng Ateneo gunman, itinumba
Suspected gunman Chao Tiao Yumol (L) is escorted by police at Camp Karingal following his arrest after three people were killed in a shooting at Ateneo de Manila University in Quezon City, suburban Manila, on July 24, 2022. Three people were killed July 24 in a rare shooting at a university in the Philippine capital Manila, officials said, in what appears to have been a targeted political assassination.
STR / AFP

MANILA, Philippines — Patay sa pamamaril ang tatay ni Dr. Chao-Tiao Yumol, ang suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University, naganap kahapon ng umaga sa harap ng bahay nito sa Lamitan City, Basilan.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa ospital ay nakilalang si Rolando Yumol, 69, retiradong pulis, residente ng Rizal St.,  Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) laban sa ri-ding-in-tandem suspects.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng umaga ay nakatayo sa harap ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang isang motorsiklo lulan ang mga suspek at agad na pinagbabaril ang biktima.

Nang bumulagta ang  biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang una ay dinala sa Lamitan District Hospital, subalit idinekla-rang dead-on-arrival.

Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng Cal. 45 at isang Pistol Cal. 45 na hawak ng biktima. 

Ayon naman sa PNP, wala pa silang nakikitang koneksiyon na pamilya Furigay ang nasa likod ng pagpatay  sa ama ni Dr. Yumol.

Matatandaang ang batang Yumol ang bumaril at nakapatay kina dating Lamitan City Ma-yor Rose Furigay, aide nitong si Victor Capis-trano at ang Ateneo security guard na si Jeneven Bandiala noong Hulyo 24 sa loob ng unibersidad.

Si Yumol ay agad na naaresto at tinukoy ng pulisya na personal na galit ang motibo sa likod ng pagpatay.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with