^

Police Metro

Miyembro ng SAF na umawat sa away, napatay

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nasawi nang pagtulungang gulpihin ng mga taong inaawat nito sa peryahan sa Brgy. Poblacion, Mapandan, Pangasinan.

Ang biktima na nasawi sa ospital ay kinilalang si Pat. Robert T. De Vera, Jr. 29, may-asawa, residente ng Brgy. Luyan, Pangasinan at PNP-SAF member na nakadestino sa Samar.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, ala-1:00 ng madaling araw sa peryahan noong Mayo 25 ay hinihintay ng biktima at kasama nito sa isang kainan ang iba pang mga kaibigan nang mapansin ng una ang nagaganap na komosyon.

Dito, lumapit ang biktima sa nag-aaway at nagpakilalang pulis kaya’t naawat ang kaguluhan.

Subalit, tatlong lalaki umano na taga-peryahan ang lumapit sa biktima at pinagtulungang gulpihin ito hanggang sa mawalan ng malay tao at dinala sa ospital na kung saan idineklara itong dead on arrival.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga pulis laban sa tatlong suspek na kinasuhan ng murder.

vuukle comment

PATAY

SAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with