^

Police Metro

Nasirang VCM paiimbestigahan Duterte: Walang dayaan sa nagdaang halalan

Malou Escudero - Pang-masa
Nasirang VCM paiimbestigahan Duterte: Walang dayaan sa nagdaang halalan

MANILA, Philippines — Kumbinsido si Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte na walang dayaang nangyari sa nagdaang eleksyon nitong nakalipas na May 9 national election, pero hinikayat ang Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang mga naglokong vote-counting machines (VCMs) sa ka­sagsagan ng eleksiyon.

Naniniwala si Duterte na mawawala ang mga pagdududa na nagkaroon ng dayaan kung mabibigyan ng linaw ang nangyari sa daan-daang VCM na nagka-aberya.

Ayon kay Duterte, wala siyang nakitang dayaan at hindi rin siya papayag na magkaroon nito.

“Wala akong nakita sa totoo lang at hindi ako papayag. Pero ganoon pa lang, just to satisfy the doubts of a few of them para maimbestigahan ang results, ibigay sa tao kung ano ang nangyari,” dagdag ni Duterte.

Nauna nang inamin ng Comelec na nasa 1,800 sa 106,000 na VCMs ang nag­loko noong halalan. Pero tiniyak ng Comelec na tama ang pagkakabilang ng mga boto at hindi dapat pagdudahan.

 

vuukle comment

COMELEC

VCM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with