^

Police Metro

Bayad sa Smartmatic, pinigil muna

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y ma­­raming aberya sa isi­nu­­play na vote counting machines (VCM) ng kum­panyang Smartmatic ay hindi muna magbaba­yad­ ang Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni John Rex Laudiangco, acting spokes­person ng Comelec, sa press conference sa Phi­lippine International Convention Center (PICC), na may gumugulong nang imbestigasyon ukol sa mga alegasyon sa mga VCMs at nanawagan na hayaan muna ng publiko na matapos ang proseso.

Hindi rin masabi ni Laudiangco kung ma­ila­lagay sa ‘blacklist’ ng Co­melec ang Smartmatic dahil sa mga kapalpakan dahil sa kailangang hintayin pa rin ang resulta ng imbes­tigasyon at ipag-utos ng Commission en banc.

Sa ilalim umano ng Government Procurement Act, may mga panuntunan kung paano madidisku­walipika ang isang contractor at ito ang dapat sundin.

Nauna nang inihayag ni Comelec Commissioner George Garcia na hindi na nila gagamitin ang mga VCM ng Smartmatic sa susunod na halalan sa 2025 dahil sa pagiging luma na nito tanda ng pagkasira ng mga units noong araw ng eleksyon.

vuukle comment

COMELEC

SMARTMATIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with