^

Police Metro

5 notoryus na holdaper dedo sa engkuwentro

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang pinaniniwalaang miyembro ng notor­yus na robbery-hold-up ang napatay matapos maka-engkwentro ng mga otoridad sa isinagawang ope­rasyon, kamakalawa sa lalawigan ng Kalinga.

Hindi muna pinanga­lanan ang mga suspek base sa mga nakuhang identification card sa mga ito na pawang mga tubong Pampanga.

Batay sa report ng Tabuk City Police Station, naganap ang insidente hapon ng Huwebes sa Purok 02, Brgy Malalao, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Police Lt. Colonel Dinulong Tombali, Tabuk City police chief, nakatanggap sila ng report hinggil sa presensya ng grupo na may mga dalang illegal na kargamento sa nabanggit na lugar.

Kaya’t naglatag ng checkpoint ang mga pulis sa posibleng dadaanan ng mga suspek kaya naharang ang kulay gray na kotse, subalit hindi huminto at sa halip ay pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang mga suspek na agad ikinasawi ng dalawa habang ang tatlo ay dinala sa pa­gamutan, pero namatay din ang mga ito.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek­ ang 23 marijuana bricks na nagkakahalaga ng P2.76-milyon na nasa loob ng sasakyan at apat na .45-cali­ber, cartridges, bullets, holster­, at M26 hand grenade.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with