Mag-lover tiklo sa marijuana
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang mag-lover na naaktuhang nag-aalaga ng ilang punong marijuana at nagpapatuyo kamakalawa ng hapon sa Brgy. Bibingcahan, Sorsogon City, Sorsogon.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Marc Baranda Ducay, 41 at Heidi Tulao Badajos, 41-na kapwa arkitekto at residente ng naturang lugar.
Sa ulat, sinalakay ng mga otoridad ang bahay ng mag-lover at nakumpiska ang mahigit sampung puno ng marijuana na itinanim sa mga paso sa tabi ng bahay at mga pinatuyong dahon na aabot sa 508.6 gramo na nagkakahalaga ng P61,000.
- Latest