^

Police Metro

Grab driver na nagbanta sa buhay ni BBM sa Twitter, inaresto

Manny Tupas - Pang-masa
Grab driver na nagbanta sa buhay ni BBM sa Twitter, inaresto
Kinilala ang suspek na si Michael Go, 49, na inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD)’s Anti-Cybercrime Unit sa Barangay Sta. Lucia, kamakalawa ng alas-10:30 ng gabi.
AFP / File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang Grab driver na umano’y nag-post ng death threat sa Twitter laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kinilala ang suspek na si Michael Go, 49, na inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD)’s Anti-Cybercrime Unit sa Barangay Sta. Lucia, kamakalawa ng alas-10:30 ng gabi.

Bago ang pag-aresto kay Go ay nagsampa ng reklamo sa QCPD ang mga representatives mula sa kampo ni Marcos noong Miyerkules dahil sa online post nito sa Twitter na nagbabanta na papatayin ang dating senador.

Mababasa sa Twitter post ni Go: “I was blocked by Marcos Jr. in 2016. Pakisabi mag-ingat siya sa Tandang Sora QC. Pag dumaan siya dun babarilin ko siya ‘di ako takot makulong.”

“Hindi rin ako takot mamatay. Isang malaking karangalan ipaghigante mga kasama ko aktibista biktima ng martial law,” wika ni Go.

Labindalawang pulis ang nagsagawa ng tracked down sa kinaroroonan ni Go katulong ang mga opisyal mula sa  Barangay Sta. Lucia at natunton ang bahay nito.

Nagtungo si Go sa barangay hall at dito na siya dinala ng mga pulis sa presinto at nakatakdang kasuhan ng grave threat in relation to Republic Act 1075 or the Cybercrime Prevention Act.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with