^

Police Metro

8 kinasuhan ng kidnapping sa missing ‘sabungeros’

Doris Franche - Pang-masa
8 kinasuhan ng kidnapping sa missing �sabungeros�
Ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Julie Patidongan Aguilar, Mark Carlo Zabala Evangelista, Virgilio Bayog Pilar, Roberto Matillano Jr., Jonas ­Alingasa Alegre, Johnry Consolacion Recapor, Herolden Alonto, Gler Cudilla isang alias “Sir Chief” at maging ang anim na “John Does” o hindi pa tukoy ang mga pangalan.

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkawala ng mahigit 30 sabu­ngeros, walong katao ang sinampahan na ng kasong criminal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice noong Enero 13.

Ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Julie Patidongan Aguilar, Mark Carlo Zabala Evangelista, Virgilio Bayog Pilar, Roberto Matillano Jr., Jonas ­Alingasa Alegre, Johnry Consolacion Recapor, Herolden Alonto, Gler Cudilla isang alias “Sir Chief” at maging ang anim na “John Does” o hindi pa tukoy ang mga pangalan.

Ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek ay batay sa ­ibinigay na testimonya ng saksi na si alyas “Arvie”, 22, isang cock handler o nagkokondisyon ng manok na panabong. Positibong kinilala ni Arvie na ang mga suspek na kumuha sa mga sabungero at nagsakay sa van na nakaparada sa basement  ng Manila Arena noong ­Enero 31.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang mga nawawalang sabungero na ipinalalagay na itinumba na kaya hinihikayat ng CIDG ang iba pang saksi o may nalalaman hinggil sa pagkawala ng mga sabungero na makipagtulungan sa kanilang tanggapan upang agad na mapanagot ng mga may sala.

vuukle comment

KIDNAPPING

SABUNGERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with