^

Police Metro

Magkaiba man ang relihiyon, pantay-pantay sa maayos na gobyerno ng Lacson-Sotto

Pang-masa
Magkaiba man ang relihiyon, pantay-pantay sa maayos na gobyerno ng Lacson-Sotto
Ayon sa tambalang Lacson-Sotto, sa ilalim ng kanilang pamumuno sakaling sila ang piliin ng mga Pinoy para maging susunod na presidente at bise presidente, sisiguruhin nila na makikinabang sa kanilang liderato ang lahat ng Pilipino, Kristiyano man o Muslim.
Michael Varcas/File

PORAC, Pampanga, Philippines — Hindi hahayaan nina Partido Reporma standard-bearer Ping Lacson at running mate na si Senate President Tito Sotto na magkaroon ng hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipino na may ibang lahi o pinaniniwalaang relihiyon.

Ayon sa tambalang Lacson-Sotto, sa ilalim ng kanilang pamumuno sakaling sila ang piliin ng mga Pinoy para maging susunod na presidente at bise presidente, sisiguruhin nila na makikinabang sa kanilang liderato ang lahat ng Pilipino, Kristiyano man o Muslim.

Sinabi ito ni Lacson dahil batid niyang hanggang sa ngayon, may ilan pa rin sa mga naniniwala kay Allah ang nakakaranas ng hindi pantay na pagtingin sa komunidad na kanilang tinitirhan, lalo na ang mga nasa labas ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Min­danao (BARMM).

“Ang programa namin pagka kami ay nanalo, ‘yung sa national budget, ‘yung reform, na kung saan lalagyan ng pondo ang mga local government unit… Wala nang distinction ‘yon—mapa-Muslim man kayo, o mapa-Kristiyano man kayo, o ano man ang inyong relihiyon—walang distinction kasi member na kayo ng community,” sabi ni presidential candidate.

Tinutukoy ni Lacson ang pangunahin niyang plataporma na Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) na magbibi­gay ng pantay na pagkakataon sa lahat ng mga lokal na pamahalaan para makakuha ng kinakaila­ngan nilang pondo para sa pag-unlad ng kanilang mga barangay.

Parehong Katoliko sina Lacson at Sotto ngunit mahalaga rin sa kanila ang boses ng mga Pilipino na may ibang relihiyon at katunayan, sa kanilang mga campaign rally, sinisiguro ng mga organizer na may representasyon ang mga Muslim sa kanilang mga town hall meeting sa iba’t ibang probinsya.

vuukle comment

ELECTION

RELIHIYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with