^

Police Metro

PNP: 489 lugar na lang ang naka-granular lockdown

Malou Escudero - Pang-masa
PNP: 489 lugar na lang ang naka-granular lockdown
A cop joins rounds as the local government imposed a seven-day granular lockdown on Block 41 Zones 4, 5, and 9 at Barangay Addition Hills in Mandaluyong City on Friday midnight, March 12, 2021.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Nasa 489 na lamang ang kabuuang lugar na nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa CO­VID-19, ayon sa Philippine National Police.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni PCol. Jean Fajardo, spokesperson ng PNP na pinakamarami sa mga naka-granular lockdown ay nasa Cordillera region. 

“As of February 4…eh bumaba na po ‘yung mga areas under granular lockdown. Nasa 489 na lang po ang total number of areas na nasa granular lockdown…buong kabuuan na po ‘yan, ang pinakamarami na areas na nasa granular lockdown ay nasa Cordillera Region.

Sinabi ni Fajardo na nasa 391 ang naka-gra­nular lockdown sa Cordillera Region; 81 sa Region 2 at ang iba pa ay nasa ibang lugar.

Samantala, ang mga nabigyan naman ng war­ning dahil sa paglabag sa protocols at  restrictions ay nasa 97,336 na karamihan ay nasa National Capital Region.

Ayon pa may Fajardo, nasa 10,000 ang napatawan ng penalty sa buong kapuluaun. Sa mga nabigyan ng warning, 12,000 ang mula sa NCR at nasa 3,600 naman ang nagbayad ng fine.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with