^

Police Metro

Bikoy kinasuhan ng 3 counts of murder

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong bilang ng kasong murder at frustrated murder ang isinampa sa pangunahing suspek na si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” matapos sumentro ang mga nakuhang ebidensya at testimonya ng mga testigo laban sa kanyang pagdukot at pagpatay sa tatlong kandidato ng Donsol, Sorsogon na natagpuang patay sa Purok 6, Brgy. Busay ng bayang ito noong Biyernes.

Ayon kay Lt.Col. Bogard Arao, hepe ng Daraga Police mismong ang prosekusyon ang nagsabi na malakas ang kasong isinampa laban kay Advincula na nakakulong ngayon sa himpilan at walang inirekomendang piyansa para sa kanya.

Tig-iisang tama ng bala sa ulo mula sa Kalibre 9mm na baril ang ikinasawi nina Councilor Helen Garay, na kumakandidatong bise-alkalde at ang mga negos­yanteng kumakandidato namang konsehal na sina Karren Averilla at Xavier Mirasol. Nakaligtas sa pandudukot at ngayo’y testigo si Lalaine Herrera Amor.

Ayon kay Lt. Col. Arao, personal na galit ang na­ging motibo ni Advincula sa pamamaslang dahil hindi umano ito pinautang ni Garay sa malaking halagang hinihiram nito dahil sa masamang impresyon na hindi maru­nong magbayad.

Maliban dito ay na­galit pa ang suspek sa tatlo dahil hindi ito pinaunlakang sumapi sa partidong-UNA ng mga biktima kung saan ang asawa ni Advincula ay kumakandidatong alkalde ng Donsol.- Doris Franche

vuukle comment

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with