^

Police Metro

Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumaba pa sa 0.45

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumaba pa sa 0.45 ang reproduction number ng COVID-19 o ang hawaan ng virus sa National Capital Region kahapon, batay sa latest monitoring ng OCTA Research Group.

Ayon sa grupo, ang bilang ng hawaan ng virus ay mas mababa kaysa sa 0.57 noong October 18.

Ang 7-day average ng bagong kaso sa NCR ay mababa sa 1,000 o umaabot lamang ng 996. Mas mababa ito sa 7-day average ng bagong kaso noong nagdaang linggo na umaabot sa 1,762.

Samantala umaabot naman ang positivity rate sa 7% na mas mababa sa 10% noong isang linggo samantalang ang ADAR ay 7.03.

Umaasa ang OCTA na higit pang bababa ang reproduction number ng virus hanggang sa katapusan ng Oktubre ngayong taon.

Ayon naman kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, sa ngayon ay nakikitaan aniya nila ang rehiyon ng downward trend o pagbaba ng mga kaso ng sakit, na nasa average na 1,500 hanggang 1,600 nitong mga nakalipas na araw, mula sa dating mahigit 10,000 noong panahon ng surge.

Aniya, “Kung siguro kapag bumaba pa ‘yan ng less than 1,000, baka pwede (ibaba pa ang alert level).”

Nabatid na ang intensive care unit (ICU) bed utilization rate sa Metro Manila ay nasa 49% na lang habang 56% sa buong bansa, dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga impeksiyon bunsod nang pagdami na ng mga taong natuturukan ng bakuna.

Sinabi rin ni Densing na kung maibababa pa ang alerto sa Level 2, mas maraming tao ang makaka-access sa mga commercial establishments dahil tataasan na ang capacity ng mga ito.

Maging ang mga bata ay maaaring payagan na rin aniyang lumabas ng kanilang mga tahanan. - Mer Layson

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with