Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba pa sa 0.46
MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng OCTA Research Group na bumaba pa sa 0.46 ang COVID-19 reproduction number o hawaan sa National Capital Region.
Mas mababa ito ng kaunti mula sa 0.47 na reproduction number noong Huwebes.
Ayon sa pinakahuling monitoring report ng OCTA, bumaba na rin sa 1,044 mula sa 1,824 noong nakaraang linggo ang seven-day average cases na naitatala, habang nananatili sa 8% ang positivity rate.
“Healthcare utilization (HCUR) for COVID-19 continued to drop to just 40%, from 47% a week ago, while ICU occupancy also decreased to 52%,” ayon pa sa grupo
- Latest