^

Police Metro

Trak bumagsak sa bahay: 5-anyos batang babae, patay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang 5-anyos na si Rubi Belate Visaya. Habang nasugatan ang mga kaanak nitong sina Roberto Galer Visaya, 27; at Giraby Galer Visaya, 26 matapos bumagsak ang isang trak sa bubong ng kanilang bahay sa Zone-4, Brgy. Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga binabagtas ng Hyundai van (NED-8070) na minamaneho ni Arturo Boñaga Valenzuela, 54, ng Calapan St., Brgy. 7, Batangas City ang kahabaan ng highway nang mabangga nito ang kasalubong na Elf truck aluminum van (CBB-1297) na minamaneho ni Enrico Ywayan Lacuin, 36, ng Purok-1, Brgy. Tugos, Sorsogon City.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nahulog ang trak sa gilid ng highway at binagsakan ang bahay ng pamil­ya Visaya sa tabi ng kalsada dahilan para magiba ang bahay at maipit ang mga biktima.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with