‘Pag naabot ang 50% target population DOH: Booster shots vs COVID-19 ikokonsidera
MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng booster shots kapag naabot na ang 50 porsyentong target population na nabakunahan at may sapat na suplay ng COVID-19 vaccines ang bansa.
“Titingnan natin ang stability ng supplies natin... Kapag naabot na ang 50% vaccination sa lahat ng bahagi ng bansa, maaari nang pag-usapan ang booster shot,” ani Vergeire sa panayam ng Super Radyo dzBB.
Ani Vergeire, base sa mga eksperto, ang ginagamit na bakuna ang siya ring gagamitin para sa booster shot.
Sinabi ni Vergeire na inaasahan na ang tuluy-tuloy na pagpasok ng mataas na suplay ng bakuna simula sa Oktubre, batay aniya, sa naging
pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez.
Samantala, posibleng sa susunod na linggo ay maglabas na ng desisyon ang Vaccine Expert Panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) para sa pagbibigay ng booster shots.
- Latest