P6.3 bilyong hospital claims, inilabas ng PhilHealth
MANILA, Philippines — Nasa P6.3 bilyon ang naipalabas na ng PhilHealth para sa mga hospital claims sa ilalim ng kanilang Debit-Credit Payment Method (DCPM) na nagpapabilis sa reimbursements sa mga ospital.
Ayon kay PhilHealth acting spokesperson Dr. Shirley Domingo, may 206 health institutions ang tumanggap ng disbursements.
“Nag-implement tayo ng tinatawag na DCPM (debit credit payment method. Ang ginagawa natin do’n ‘pag na-identify ng IATF as a high risk area and nagsu-surge ang cases of COVID ay tinitingnan natin ang 60 percent of in-process good claims at nire-release natin ‘yon sa hospitals,” pahayag ni Domingo .
Bukod dito, sinabi ni Domingo na nagbayad din sila ng may P231 bilyong claims para sa COVID-19 at non-COVID-19 cases.
Gayunman, niliwanag ni Domingo na inaasahan nila ang delays sa reimbursement ng pondo dahil may ilang health care institutions ay may kulang na mga dokumento para agad maiproseso.
Iniulat din ng PhilHealth na nagbayad na sila ng may P5.5 bilyong utang sa Red Cross para sa COVID-19 testing.
- Latest