^

Police Metro

P17.5 milyong shabu nasabat sa mag-inang online seller

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang mag-ina at isa pa nilangkasamahan sa isinagawang drug operations kung saan nasamsam sa kanila ang nasa  P17.5 milyon ng shabu, kamakalawa  ng  hapon  sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang nadakip na mag-ina na sina Josephine, 59 at Mae Jane Rada, 23, at ang kanilang kasapakat na si Bon Joni Visda, 25, pawang residente ng B53 L3 Phase 12, Brgy. 188, Tala.

Ayon sa ulat nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Caloocan Police Drug Enforcement Unit (DEU) mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y ilegal na aktibidades ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong surveillance.

Nang makumpirma agad na  ikinasa ng mga operatiba ng DEU sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo, kasama ang PDEA Northern District Office, 6th MFC RMFB-NCRPO at Tala Police Sub-Station ang buy-bust operation sa bahay ng mga suspek dakong alas-5:10 ng hapon.

Inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P75,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit sa 2 kilo  ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,510,000 at buy-bust money.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with