ICU sa NCR 84% nang okupado — DOH
MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa high-risk category na ang intensive care unit (ICU) o 84% beds na ang okupado sa Metro Manila.
Sinabi rin ni Vergeire, bukod sa Metro Manila ay nasa 73% na ang ICU occupancy rate sa Cordillera Region, 88% sa Cagayan Valley, 87% sa Central Luzon, at 83% sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) batay sa hu-ling tala nitong April 18.
Sa ilalim ng DOH guidelines, ang isang rehiyon ay kinaklasipikang moderate risk kung ang ICU utilization rate nito ay nasa pagitan ng 60% at 69%; high risk naman kung sa pagitan ng 70% at 84%, at critical risk kung nasa 85% pataas.
Samantala, ang pangkalahatang healthcare utilization rate (HCUR) naman, na tumutukoy sa occupancy ng mga ward, isolation, at ICU beds, sa naturang limang rehiyon ay nasa moderate to high risk.
Ang HCUR sa CAR, Cagayan Valley, at Calabarzon ay pawang nasa high-risk zone na matapos umabot sa 70% pataas.
- Latest