^

Police Metro

2 tulak utas sa P210.8 milyong drug bust

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa dead on the spot ang dalawang drug suspect matapos umanong manlaban sa mga otoridad at nasamsam sa kanila ang nasa P210.8 milyong halaga ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Ri­chard Jen Jieko Salameda Amarga alias Koy-Koy o Coco; at Andrew Guinto Garcia.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout, alas-10:15 ng gabi sa Sherack St., Brgy. Almanza Uno, ng lungsod ay nagsagawa ng joint buy-bust operation ang mga otoridad, subalit nakahalata umano ang dalawang suspek kaya’t sa halip na sumuko ay nakipagpalitan umano ito ng putok na kanilang ikinasawi.

Nakumpiska ng mga operatiba ang 31 kilos ng white crystalline substance na pinaniniwalaang me­thamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakaha­laga ng P210,800,000.00, isang blackish mica red Toyota Innova na may plate number DAY-1328; isang paper bag na naglalaman ng P1,500,000.00 boodle money na ginamit sa buy-bust money; isang caliber .45 pistol Para Ordnance may serial number 34379 at isang caliber .45 pistol, Para Ordnance may serial number 21534.

Nabatid na ang mga suspect ay kilalang distributor illegal drugs at mi­yembro ng Sputnik Gang at Amarga Drug Group at ang kanilang suplay ay mula sa ilang mga Chinese nationals sa Myanmar at dinadala sa Pampanga. - Doris Franche

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with