NCR Plus, 3 pang lugar inilagay sa MECQ
Hanggang Abril 30…
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw (Abril 12) hanggang Abril 30, 2021 ay isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Bukod sa NCR plus ay isinailalim din sa MECQ ang City of Santiago, Quirino at Abra.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-AgencyTask Force (IATF).
Habang isinailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Cordillera Autonomous Region (CAR), sa Region 2 ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; Region 4A ang Batangas; Region 8-Tacloban City; Region 10-Iligan City; Region 11-Davao City; BARMM-Davao del Sur at ang lalawigan ng Quezon.
Ang natitirang bahagi naman ng bansa na hindi nabanggit ay isinailalim sa MGCQ.
Related video:
- Latest