^

Police Metro

Rail workers sa Metro Manila na nagpositibo sa COVID-19, pumalo na sa 522

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 522 ang bilang ng mga rail wor­kers sa Metro Manila na nakumpirmang positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod ito nang patuloy na mass testing na isinasagawa ng Department of Transportation (DOTr) sa mga tauhan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).

Ayon sa DOTr, batay sa datos na naitala hanggang 5:00PM lamang ng Abril 6, 2021, pinakamaraming rail workers na nagpositibo sa sakit ang LRT-2, na umabot na sa 143.

Nabatid na ang LRT-2 ay mayroong kabuuang 1,277 personnel at 571 pa lamang sa mga ito ang naisailalim sa COVID-19 testing.

Sa 3,284 namang personnel ng MRT-3 ay 860 ang nasuri at 131 sa kanila ang nagpositibo sa sakit.

Ang PNR naman na may kabuuang 1,729 empleyado ay nakapagsuri na ng 1,013 personnel at 131 din sa kanila ang nagpositibo sa virus.

Sa kabuuang 1,185 naman na personnel ng LRT-1 ay 377 pa lamang ang nasuri at 117 sa kanila ang nakumpirmang infected ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with