^

Police Metro

Special session para sa Bayanihan 3, hinirit kay PRRD

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maipasa kaagad ang Bayanihan 3 sa apek­tado ng pandemya ay hiniling ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpatawag ng special session.

Sinabi ni Drilon na kailangan ng bagong batas upang punan ang nauubos na war chest ng pamahalaan laban sa COVID-19 upang matulungan ang mahihirap na pamilyang lubhang apektado ng pandemya.

Naalala ni Drilon kung paano nagutom ang mahigit 7.6 milyong pamil­ya matapos ipatupad ang lockdown, pinakamatagal sa buong mundo.

Umabot din sa 17.7% ang unemployment rate na may 7.3 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho noong nakaraang Abril 2020 sanhi ng lockdown.

Nilinaw pa ng senador na handa sila sa Senado na talakayin ang Bayanihan 3 para sa mga mahihirap na kababayan dahil magbibigay ito ng karagdagang tulong sa milyong empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

vuukle comment

BAYANIHAN

FRANKLIN DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with