^

Police Metro

Reporma sa ekonomiya kinilala ng DOF at NEDA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinilala ng Department of Finance (DoF) at Na­tional Economic and Development Authority (NEDA) ang naging papel ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa mga pang-ekonomiyang reporma sa Pilipinas.

Pinasalamatan nina Finance Secretary Carlos S. Dominguez at Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua si Salceda sa “napakahalagang pagtulak niya sa Kongreso ng ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationalization (CITIRA) Act, na ngayon ay tinatawag ng ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act’” na nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong nakaraang ika-26 ng Marso.

Si Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee ang pangunahing may-akda ng CREATE Act (RA 11534) ay nakikitang magbibigay ng pinakamalaking katipiran sa buwis sa pribadong sektor na tinatayang aabot sa P7.1 trillion at lilikha ng isa hanggang 1.4 milyong mga trabahong kapaki-pakinabang sa susunod na 10 taon.

Tiniyak din nina Dominguez at Chua na makiki­pagtulungan sila kay Salceda sa pagpasa ng natitira pang mga panukala para sa komprehensibong reporma sa buwis at ‘economic recovery programs’.

vuukle comment

DOF

NEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with