Mga biyahero na may international flights, papayagang pumasok sa ‘ECQ bubble’
MANILA, Philippines — Papayagang makapasok sa ‘ECQ bubble’ ang mga biyahero mula sa labas ng “NCR Plus” kung mayroong international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang paglilinaw kahapon ni Transportation Undersecretary Artemio Tuazon sa Laging Handa virtual briefing matapos magsimula kahapon ang ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus upang pigilan ang patuloy pang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) doon na kung saan ay ipinagbawal ng pamahalaan ang non-essential entry at exit sa NCR Plus bubble.
“If they (travelers) have outgoing flights, they will be allowed to travel under the guidelines and they will be allowed to enter NCR Plus to take the flight out of NCR or NAIA for that matter,” wika ni Tuazon.
- Latest