^

Police Metro

DA pinalawig ang price cap sa baboy, manok hanggang Abril 8

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price cap sa karne ng baboy at manok hanggang sa susunod na buwan.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang price ceiling sa baboy at manok ay magiging epektibo hanggang Abril 8.

Sinabi ni Dar, lalo lamang pagsasamantalahan ang pagpapataas pa sa presyo ng baboy at manok kapag ito ay binago dahil hanggang sa ngayon ay nananalasa pa rin ang African Swine Fever (ASF)  sa bansa.

Hindi na rin magiging akma pa ang pagbabago sa ipinatutupad na ‘price ceiling’ dahil may mga vendor na rin sa ibang mga palengke na nagtakda ng sarili nilang presyo na mas mataas dito.

Maaalalang noong nakaraang buwan, nagpatupad si President Rodrigo Duterte ng price cap sa National Capital Region.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with