^

Police Metro

2 drug pusher timbog sa P16 milyong marijuana at shabu

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang dalawang dayo na pinaniniwalaang mga big time na drug pusher sa isang buy-bust operation, kamakalawa sa Quezon, Isabela.

Kinilala ang dala­wang naarestong suspek na sina Anwar Sindatoc, 54, driver, ng Las Piñas City; at Elson Cabunyag, 43, ng Port Area, Manila.

Sa ulat ng Quezon-PNP, alas-10:00 ng gabi unang nakumpiska sa dalawang suspek ang 2 bricks ng marijuana matapos bentahan ang isang kagawad ng pulisya na nagsilbing poseur buyer sa Barangay Abut.

Nakumpiska rin sa sasakyan ng mga suspek ang karagdagang 125 bricks, 4 na tubular na marijuana na may bigat na 130 kilos na tinatayang nasa P16 milyon, 3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.00 at 1 caliber 45 Colt Mark 4 na pistol at mga bala.

Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591. - Victor Martin, Artemio Dumlao

vuukle comment

MARIJUANA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with