^

Police Metro

Health workers na gustong magpabakuna tumaas

Danilo Garcia - Pang-masa
Health workers na gustong magpabakuna tumaas
Nagsagawa na rin kahapon ang The Medical City sa Ortigas, Pasig ng Sinovac vaccination. Makikita sa larawan si Health Sec. Francisco Duque na nagba-kuna sa isang frontliner.
Boy Santos

PGH humirit ng dagdag Sinovac vaccine...

MANILA, Philippines — Sa ikatlong araw na vaccination program ng pamahalaan na sinimulan noong Lunes ay patuloy na tumaas ang bilang ng mga health workers sa iba’t ibang ospital sa bansa na magpabakuna ng Sinovac na gawang China.

Nagsimula na kahapon ang pagbabakuna sa East Avenue Medical Center sa Quezon City sa pagdating ng kanilang suplay ng  Sinovac at magmula alas-12 ng tanghali ay nasa 144 staff na ng EAMC ang nabakunahan.

Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagturok sa medical chief ng ospital na si Dr. Alfonso Nuñez at isang nurse na si Rosemarie Reyes na simpleng bakuna lang kagaya ng mga ibang bakunang natanggap niya sa buhay.

Aminado si Duque na 17 porsiyento lang ng 3.4 milyong health care workers ang maaaring masaklaw ng 600,000 doses ng Sinovac na dumating kamakailan kaya aniya ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matugunan ang pangangailangan sa pagbabakuna.

Sinimulan na rin ang pagpapabakuna sa Valenzuela City kung saan nasa 200 vaccines ang nagamit.

Aabot naman sa 50 bakuna ang na-administer sa medical frontliners sa Valenzuela Emergency Hospital.

Umarangkada na rin ang pagbabakuna sa Research Institute for Tropical Medicine gamit ang inisyal na 300 CoronaVac vaccines. Dalawang araw gagawin ang pagbabakuna sa mga nasa 300 em­pleyado ng tanggapan.

Nasa 150 health care workers naman ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ang ­inaasahang matuturukan ng Sinovac.

Ang NKTI ay may 2,400 na health care workers, bagama’t marami ang nagpa-re­gister para magpabakuna, normal lang aniya para sa iba ang magkaroon ng agam-agam at naisin na maghintay na muna.

Humirit ang pamunuan ng Philippine Ge­neral  Hospital sa Department of Health (DOH) ng dagdag-suplay ng COVID-19 vaccine dahil sa naunang 1,200 na naturukan ay posibleng aabot sa 2,000 ang gustong magpabakuna.

Agad naman din itong inaprubahan at inaksyunan ng DOH at diniliber na ang hini­nging suplay.

vuukle comment

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with