^

Police Metro

Pagkain ibabawal sa sinehan, 5 magkakatabi sa upuan pwede

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pagkain ibabawal sa sinehan, 5 magkakatabi sa upuan pwede
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ito ang nilalaman sa draft guidelines ng DTI na ibinigay nila sa Metro Manila mayors kabilang na ang mandatory na pagsusuot ng face masks at face shields sa loob ng sinehan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Saka lang magsimula ang re-opening ng mga sinehan, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit na ipagbabawal ang pagkain at inumin sa loob pero papayagan naman ang pagtatabi-tabi ng hanggang limang indibiduwal mula sa iisang grupo o “social bubble”, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

 Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ito ang nilalaman sa draft guidelines ng DTI na ibinigay nila sa Metro Manila mayors kabilang na ang mandatory na pagsusuot ng face masks at face shields sa loob ng sinehan.

 Gayunman, hindi pa aniya, pinal ang nasabing guidelines na maaari pang dagdagan ng mga alkalde  at nilinaw na hindi niya imbento ang draft kundi pinag-aralan ng mga eksperto at technical working groups.

Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia,  kahit pabor ang mga alkalde na ilagay na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR),  tutol pa rin sila sa pagbubukas ng mga sinehan.

Tiniyak din ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mananatili pa ring sarado ang mga sinehan sa lungsod kapag ipinatupad ang MGCQ sa Metro Manila. - Mer Layson

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with