P45 milyong halaga ng pekeng laruan at items nakumpiska ng BOC
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P45 milyong halaga ng mga peke at counterfeit na laruan at iba pang items ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Manila International Container Port (MICP), sa pakikipag-kooperasyon sa National Bureau of Investigation sa isang establisimyento sa Guiginto, Bulacan kamakailan.
Ito ay bilang bahagi nang pagsusumikap ng BOC na masugpo ang smuggling at paglipana ng mga peke at counterfeit goods sa bansa.
Ayon sa BOC, ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng implementasyon ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero at ininspeksiyon ang ilang establisimyento na matatagpuan sa Guiginto, Bulacan na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga counterfeit toys, gayundin ng mga helmets, steel, resins at machineries na aabot sa P45 milyon ang halaga.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ang BOC ng imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin sa Intellectual Property Laws.
- Latest