^

Police Metro

P30 milyong smuggled na yosi nasamsam ng BOC

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP)-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), sa loob mismo ng MICP kamakailan ang tinata­yang nasa P30 milyon ang halaga ng mga smuggled na sigarilyo bilang bahagi ito ng kampanya ng BOC na sugpuin ang smuggling ng mga illegal na sigarilyo sa bansa.

Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagpasok ng kontrabando sa Pilipinas kaya’t kaagad na nag-isyu ng alert order laban sa shipment na naka-consigned sa isang MBS Cargo Movers at orihinal na idineklara bilang personal effects.

Nang suriin ang shipment, natuklasan na ang mga ito ay aktuwal na naglalaman ng 820 master cases ng Astro brand cigarettes at tinatayang may street value na P30 milyon. Nabatid na Pebrero 9 nang masamsam ang smuggled cigarettes, na nagmula sa China ngunit ang mga sako ay may mga markings ng Myanmar.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng inventory at imbestigasyon ang BOC para sa kaukulang pagsasampa ng kaso para sa posibleng paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA).

vuukle comment

BOC

SMUGGLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with