^

Police Metro

15% target collection nalagpasan ng BIR, pinuri ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue ng 15% ang target nitong koleksyon para sa taong 2020 sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

 Dahil dito, pinagtibay nina House Majority Leader Martin Romualdez (1st District, Leyte) at De­puty Majority Leader Juan Miguel “Mikey“ Arroyo (2nd District, Pampanga) ang isang resolusyon na nagbibigay papuri sa BIR.

 Sa ilalim ng House Resolution No. 1538, pinapurihan nina Romualdez at Arroyo si BIR Commissioner Cesar Dulay at buong economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangunguna ni Finance Sec. Carlos “Sonny” Dominguez sa ipinamalas na pagsusumikap na makabangon ang ekonomiya ng bansa sa matinding epekto ng pandemya.

 Ayon sa dalawang lider ng Kamara, umabot sa kabuuang P1.94 trilyon ang nakolekta ng BIR ng nakalipas na taon na lagpas ng 15 % target collection na P1.69 trilyon o katumbas ng P255.19 billion.

 “The Bureau of Internal Revenue has exceeded its tax collection target for the Fiscal Year 2020 despite the crippling effect of the COVID-19 pandemic on the national economy,” pahayag ng mga mambabatas.

Si Romualdez, chairman ng makapangyarihang House Committee on Rules at Arroyo na chairman ng House Committee on Ener­gy ay kapwa nagsabi na nagkaisa ang mga kasamahang mambabatas ng Kamara, na bukod sa pagkilala sa magandang trabaho ng BIR ay sinusuportahan nila ang ahensya sa pagkilos nito para sa kapakinaba­ngan ng buong bansa.

vuukle comment

BIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with