^

Police Metro

Pagbuhay sa death penalty ipinauubaya ng Malacañang sa Kongreso

Malou Escudero - Pang-masa
Pagbuhay sa death penalty ipinauubaya ng Malacañang sa Kongreso
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagaman at dati ng prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan pero ang Kongreso ang gumagawa ng batas.
AFP/File

MANILA, Philippines — Ipinauubaya ng Malacañang sa Kongreso ang pagbuhay sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagaman at dati ng prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan pero ang Kongreso ang gumagawa ng batas.

“Well ang pagpapasa po ng death penalty, ‘pag bubuhayin po ay sa mula’t mula prayoridad ng ating Presidente pero nakasalalay po ang mangyayari diyan sa batas na iyan sa kamay siyempre ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan at ng ating Senado,” ani Roque.

Naungkat ang pagbuhay sa parusang kamatayan dahil sa brutal na pagpatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang  Sonya Gregorio, 52 at Anthony ­Gregorio, 25, sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.

“Ang puwede pong leksiyon diyan: naku mga pulis, it takes only one, one of you to destroy the reputation and integrity of the institution. Bagama’t sinasabi po natin ngayon sa lahat na nag-iisang bugok lang naman iyang pulis na iyan eh nakita ninyo naman ang epekto,” sabi ni Roque.

Ipinaalala rin ni Roque na hindi lang mga ordinaryong mamamayan ang mga pulis dahil bahagi sila ng isang institusyon na pinagkakatiwalaan ng  taumbayan.

vuukle comment

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with