^

Police Metro

Zarate ginagamit ang npa tax money upang pondohan ang pag-aaral ng anak sa Europa Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate ng paggamit ng pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng kanyang anak sa Europa.

Sa public address ni Pa­ngulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na duda siya kung paano napag-aral ni Zarate ang kanyang anak sa ibang bansa.

“Sinasabi mo na si ­Sandro, anak mo, ginagastusan ng lola. You know, baka sabi mo talagang maloloko mo ang Pilipino lalo na kami dito. Ang lola tinignan namin, matanda na, wala namang income,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabi ng Pangulo na may mga hawak siyang dokumento na may kinalaman kay Zarate kabilang na ang birth certificate at income history nito.

Ayon sa Pangulo, ang anak ni Zarate ay nag-aaral sa The John Paul II Catholic University of Lublin sa Poland.

Ani Pangulong Duterte, base sa kanilang record, madalas ang pagbiyahe ni Zarate sa Europa.

“Kung ang sweldo mo,  Zarate, ‘yan ang ginagastos mo para sa anak mo, pinapasa mo don sa nanay mo na matanda na, eh you’re pulling everybody’s leg. Wag mo kaming bolahin,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Baka kaya siguro ang ginagastos mo ‘yong perang kinokolekta ng mga NPA dito. Hindi nila alam na ang kinokolekta nila pumupunta ‘yan doon sa mga lider, malalaki ang kita tapos sila hirap. ‘Yan ang problema diyan sa mga NPA, nagpapaloko kasi kayo,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang diin pa ni Pa­ngulong Duterte na ang ina ni Zarate na sinasabi at itinuturong siyang nagbabayad para makapag-aral ang anak niya (Zarate) sa ibang bansa ay walang “source of income.”

“Walang income ang nanay mo. Matanda na so ikaw talaga ‘yan kay anak mo ‘yan. I would not want to go into remittances kasi while we have a way of knowing pero alam namin na you send money regularly to your son,” ang pahayag ng Pangulo.

Bukod dito, si Zarate ay may “incongruity” sa kanyang ideology.

“Kunwari galit ka sa mga mayayaman. Kunwari galit ka sa mga ‘di nagbabayad ng wastong buwis, nagpa-falsify ng mga properties nila.

You’re a hypocrite… You’re a chauvinist pig,” diing pahayag ng Pangulo.

 

vuukle comment

CARLOS ZARATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with