^

Police Metro

Liderato ng Kamara dapat mauna sa paglabas ng SALN

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mismong si House Speaker Lord Allan Velasco at ibang mambabatas ang dapat manguna sa pagsasapubliko ng kanilang mga Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) at gawing madali ang paghingi ng kopya nito ng publiko.

Ito ang reaksyon ni Institute for Political Reform (IPER) Executive Director Ramon Casiple sa harap na rin ng inihaing resolusyon nina Anakalusugan Party­list Rep. Mike Defensor at Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na humihiling na magkaroon ng House Inquiry in aid of legislation ukol sa kasalukuyang batas kaugnay sa paghahain ng SALN ng mga government officials and employees.

Ang resolusyon nina Defensor at Marcoleta ay nag-ugat sa naging pagbasura ng Korte Suprema sa mosyong nag-aatas kay Associate Justice Marvin Leonen na iprisinta ang kanyang SALN na sakop mula nang magturo ito bilang faculty member ng University of the Philippines (UP).

Dahil hindi nailabas ang SALN ni Leonen ay hiniling nina Defensor at Marcoleta na magkaroon ng House Inquiry ukol dito sa batayang karapatan ng bawat Filipino na malaman ang SALN ng mga public official.

Ang paglalabas ng SALN ay isa sa pinakamalaking hamon sa mga elected at government official, bagama’t obligado ang mga nasa gobyerno na magsumite kada taon ng SALN ay hindi naman nailalabas ito, sa Kamara halimbawa, ang record ng SALN ay guwardiyado pa ng CCTV.

Hindi rin ganun kadali ang paghingi ng kopya nito, sa ilalim ng House Resolution 2467, sinumang nagnanais na magka-access sa SALN ng mga mambabatas ay dapat may final approval ng House Plenary. Kaya na­ngangahulugan na bago pa man pumayag ang isang kongresista na ibigay ang kanyang SALN ay kaila­ngan na ideliberate muna ito ng Committee on SALN Review and Compliance at aalamin sa requesting party ang dahilan at kung saan gagamitin ang SALN.

vuukle comment

SALN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with