^

Police Metro

6 terorista todas sa shootout

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang sub-leader ng Dawlah Islamiyah-local terrorist group at lima nitong kasamahan matapos umanong manlaban sa mga otoridad na magsisilbi ng warrant of arrest kahapon ng umaga sa Purok 6, Barangay Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ni 6th Infantry (Kampilan) Division spokesperson Lt. Col. Anhouvic Atilano, ang sub-leader na si Arafat Bulacon alias Maula ng Dawlah Islamiyah (Ansar Khilafa Philippines -Maguid Remnants). Habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng lima nitong kasamahan.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout, alas-5:00 ng umaga ay maghahain ng warrant of arrest ang tropa ng 5th Special Forces Battalion at 4th Special Action Battalion kay Bulacon.

Habang papalapit ang mga otoridad ay bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga suspek kung kaya’t gumanti ang mga ito ng putok at napatay ang  mga huli.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang 5.56 M4 rifle, dalawang 12 gauge shotgun, dalawang Cal. 38 revolver, isang 5.56 pistol, isang IED at isang ISIS flag.

Nabatid na ang nasabing grupo ay sangkot sa pagbobomba sa Ge­neral Santos City noong 2018.

vuukle comment

SHOOTOUT

TERRORIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with