816 traditional jeepneys papasada na rin sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Muling makakapamasada na ang daan-daang jeepney drivers na nahinto dahil sa COVID-19 pandemic matapos buksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 16 pang dagdag na mga ruta sa Metro Manila.
Sa inilabas na memorandum circular 2020-071, simula ngayong Miyerkules ay papasada na rin ang 816 na unit ng jeep mula sa QC, Pasig City, Mandaluyong, Makati, Pasay, Muntinlupa, Pateros, Manila, Parañaque maging sa The Fort sa Taguig City.
Subalit, mahigpit na pagpapatupad ng seven commandments gaya ng pagsusuot ng facemasks at iba pa, ipinaalala ng LTFRB sa mga jeepney driver na hindi dapat magtataas ng pamasahe dahil walang direktibang inilalabas para dito ang ahensya.
- Latest