Rapper ‘J-Skeelz’ tiklo sa droga
MANILA, Philippines — Arestado ang isang kilalang flip top rapper na si “J-Skeelz” makaraang makuhaan ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-drug operation ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) sa loob ng isang hotel sa Barangay Masin Sur, dito kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Arnulfo Selencio, chief of police dito, si Jason Yap Rodriguez o mas nakilala sa pangalang “J-Skeelz”, 37-anyos ng 2002 G. Perfecto Extension, Gagalangin, Tondo, Manila ay dinakip matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa suspek dakong alas-3:30 ng madaling araw sa isang kuwarto ng Premiere Hotel.
Nakuha sa suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money, pitong pirasong P1,000 boodle money at mga drug paraphernalia.
Nakapiit sa municipal jail ang suspek at nahaharap sa paglabag sa Section 5 & 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Joy Cantos
- Latest