^

Police Metro

PRC balik-ops na sa COVID-19 testing para sa Philhealth

Mer Layson - Pang-masa
PRC balik-ops na sa COVID-19 testing para sa Philhealth
Sinabi ni PRC Chairman at CEO, Senator Richard Gordon, Martes pa lang ng gabi ay ipinagpatuloy na nila ang COVID-19 testing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos ianunsiyo ng PhilHealth na nag-release na sila ng kalahating bilyong piso bilang bayad sa PRC.
Kena Betancur/Getty Images/AFP

MANILA, Philippines — Matapos magbayad ng kalahati ng kabuuang utang ang PhilHealth ay balik-operasyon na ang Philippine Red Cross (PRC) ng coronavirus di­sease (COVID-19) testing para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sinabi ni PRC Chairman at CEO, Senator Richard Gordon, Martes pa lang ng gabi ay ipinagpatuloy na nila ang COVID-19 testing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos ianunsiyo ng PhilHealth na nag-release na sila ng kalahating bilyong piso bilang bayad sa PRC.

Inatasan na rin aniya niya ang PRC Secretary-General at lahat ng kanilang laboratoryo sa buong bansa na muli nang magbukas para sa PhilHealth.

Tiniyak rin ni Gordon na magsasagawa kaagad ng regular full testing simula nitong Miyerkules.

Hinihiling rin ni Gordon sa PhilHealth na bayaran agad ang natitira pang balanse upang may pambili sila ng Covid test kit at hindi siya magbibigay ng deadline sa pagbabayad nito.

Kamakailan ay nagpasya ang PRC na itigil ang lahat ng swab testing na charged sa PhilHealth matapos na mabigo itong magbayad sa utang na P1.1 bilyon.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with