^

Police Metro

Traslacion sa Enero 2021 kanselado na

Danilo Garcia - Pang-masa
Traslacion sa Enero 2021 kanselado na
Ito ang napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kahapon sa pagitan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at pamunuan ng Simbahan ng Quiapo patungkol sa Pista ng Quiapo sa susunod na taon upang matiyak na masunod ang ipinapatupad na health protocols sa mga nananampalataya at deboto ng Itim na Nazareno.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Bunsod ng nararanasang CO­VID-19 pandemic ay kinansela ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang tradisyon na “Traslacion” o ang prusisyon ng imahe ng Itim na Poong Hesus Nazareno sa darating na Enero 9, 2021.

Ito ang napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kahapon sa pagitan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at pamunuan ng Simbahan ng Quiapo patungkol sa Pista ng Quiapo sa susunod na taon upang matiyak na masunod ang ipinapatupad na health protocols sa mga nananampalataya at deboto ng Itim na Nazareno.

Taun-taon ay milyong deboto na nakapaa ang dumadagsa sa prusisyon ng Black Nazarene mula sa Quirino Grandstand sa Luneta hanggang sa maibalik sa Quiapo Church sa paniniwalang mapaghimala ang imahe ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Alkalde, kailangang manaig ang health protocols sa mga religious traditions, lalo na at matindi ang banta ng pandemic sa lungsod ng Maynila.

“Nakikisuyo po ako, iwasan po muna natin ang mga parada at prusisyon ngayong may pandemya dulot ng sakit na COVID-19. Maaari pong mapahamak ang ating mga deboto, mailagay sila sa alanganin,” ani Domagoso.

“Maging conservative po tayo sa paggunita ng mga prusisyon. There are things that we cannot control pero puwedengmaiwasan. Kung libu-libo ang pupunta sa prusisyon, isa lang sa kanila ang maimpeksyon, tapos magkakadikit-dikit pa sila, pinagpapawisan, nagkakalat na droplets ng laway, delikado po iyan,” dagdag pa ng Alkalde.

Ayon naman kay Quiapo Church rector Monsignor Hernando Coronel, magsasagawa aniya sila ng sunud-sunod na misa sa January 9 at ang mga bikaryo ay ila­lagay sa canopy sa labas ng simbahan.

Aminado naman na nalungkot si Coronel ngunit kailangang tumalima ang publiko at simbahan sa health protocols na itinatakda ng pamahalaan.

vuukle comment

CO­VID-19

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with