^

Police Metro

Chinese, 4 Pinoy tugis sa ‘telco investment scam’

Danilo Garcia - Pang-masa
Chinese, 4 Pinoy tugis sa �telco investment scam�
Kinilala ang mga ito na sina Neng Shen Sy, Chinese national; at mga Pinoy na sina Mark Glenn Sy; Felisa Sy; Stephen Sha; at Ronald Fesalbon na nagpakilalang mga may-ari at kinatawan ng Pil-Chi Telecoms Inc na may tanggapan sa Investment Center, Juan Luna St., Binondo, Maynila.
STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Isang Chinese national at apat na Pinoy ang tinutugis ng mga otoridad matapos masangkot ang mga ito sa umano’y “telecommunication scam”.

Kinilala ang mga ito na sina Neng Shen Sy, Chinese national; at mga Pinoy na sina Mark Glenn Sy; Felisa Sy; Stephen Sha; at Ronald Fesalbon na nagpakilalang mga may-ari at kinatawan ng Pil-Chi Telecoms Inc na may tanggapan sa Investment Center, Juan Luna St., Binondo, Maynila.

Ito ay kasunod nang pagpapalabas ng hold departure order at warrant of arrest ni Pasay City Regional Trial Court Presiding Judge Rowena Nieves Tan kaugnay sa kinakaharap na kasong syndicated estafa at walang kaukulang piyansa na inirekomenda ang korte para sa kanila.

Sa impormasyon, kinumbinsi ng mga suspek ang isa pang negosyanteng Chinese na tumanggi magpabanggit ng pangalan dahil sa isyu ng seguridad, na maglagak ng puhunan bilang investment sa kanilang telecommunication company. 

Kasabay ng pangako na malaki ang magiging balik nito dahil sa sigurado na ang pagtanggap ng mga bagong telecommunication players ng Pilipinas na nais mapalakas ang internet connectivity.

Sa tiwala at kagustuhang  makapagtayo ng telco sa Pilipinas ay nakumbinsi ito na maglagak ng kabuuang P100 milyon.

Ngunit makaraan ang ilang buwan, hindi na mu­ling nakipagkita at nagparamdam sa kaniya ang mga suspek dahilan para magsampa siya ng kaso sa korte.

Mahigpit namang binabantayan ng Bureau of  Immigration (BI) ang lahat ng posibleng lugar na maaaring gamitin ng mga ito upang makalabas ng bansa.

Nanawagan ang mga otoridad sa iba pang nabiktima ng mga suspek na maghain na rin ng kaso laban sa mga ito.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with