50 pamilya sa Maynila nawalan ng bahay sa sunog
MANILA, Philippines — Nawalan ng bahay ang nasa 50 pamilya sa magkasunod na sunog na sumiklab sa Sampaloc at Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi
Unang sumiklab ang sunog, alas-7:52 sa tatlong palapag na bahay sa may No. 616-F Aranga Street, Sampaloc na pag-aari ni Nora Bondoc Noceda na umabot sa ikatlong alarma hanggang alas-11:26 ng gabi bago tuluyang magdeklara ng fire-out.
Aabot umano sa P300,000 ang natupok na halaga ng ari-arian sa 20 bahay na naapektuhan ng apoy na may 40 pamilya.
Alas-8:11 ng gabi nang sumiklab ang isa pang sunog sa dalawang palapag na bahay sa may H. Asuncion Street, Brgy. 13 Zone 2 Tondo na umabot sa ikalawang alarma at ganap na napatay dakong alas-9:23 ng gabi at aabot sa apat na bahay ang naapektuhan ng apoy.
- Latest