1 metrong physical distancing sa PUVs mananatili
MANILA, Philippines — Hangga’t hindi pa napagdedesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mananatili ang isang metrong distansya sa mga pasahero sa pampublikong transportasyon.
Sa tweet ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inisyu ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang naturang direktiba.
Maaalalang kamakailan ay ipinatupad ang reduced physical distancing policy ng 0.75 metro mula sa isang metro.
Lahad pa ni Roque, ang Pangulo ang magdedesisyon sa polisiya ng physical distancing sa pampublikong transportasyon makaraang bigong maabot ng pandemic response task force ng gobyerno ang consensus ng polisiya.
Ayon kay Tugade, ang pansamantalang suspension ay bunsod ng isinagawang pagpupulong ng mga opisyal ng Inter Agency Task Force (IATF) kahapon.
Matatandaan na nagpasya ang DOTr na unti-unti nang magpatupad ng mas maliit na distansiya sa pagitan ng mga pasahero simula noong Setyembre 14 upang pataasin ang passenger capacity ng mga public utility vehicles (PUVs) kabilang ang apat na railway lines sa Metro Manila. - Mer Layson
Related video:
- Latest