^

Police Metro

COVID-19 pandemic mas titindi pa - SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa pinakahu­ling survey na umaabot sa 57 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang titindi pa ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na naipalabas kahapon na naisagawa noong July 3 hanggang 6 o may 10-puntos na pagtaas sa nagdaang May survey results.

Ang survey ay isang “probability-based survey” na isinagawa gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone sa pagtatanong.

Batay sa survey noong Mayo, may 47 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang magkakaroon pa ng worst-case scenario ang patuloy na pananalasa ng pandemic sa ating bansa.

Gayunman, ang survey ay nagpapakita na may 35 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang lulubha pa ang Co­vid-19 pandemic o mas mababa ito sa 44 percent noong May survey results.

Ang nalalabing 8 percent ng mga respondents ay hindi naman nagbigay ng anumang tugon sa naturang survey.

Karamihan ng mga respondents na nagsabing inaasahan nilang lalala pa ang pandemic ay mula sa Metro Manila na may 70 percent, sinundan ito ng Visayas na may 61 percent, Balance Luzon - 56 percent, at  Mindanao - 49 percent.

Ang mga naniniwalang palapit na ang paglubha ang COVID-19 pandemic ay mula Mindanao-41 percent, Ba­lance Luzon-35 percent, Visayas-33 percent, at Metro Manila-26 percent.

May kabuuang 1,555 working Pinoy mula 18 years old pataas ang nakiisa sa naturang survey.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with