^

Police Metro

Riding-in-tandem todas sa semplang

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na sakay sa motorsiklo matapos sumemplang ang ka­nilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng lansangan sa Cauayan City, Isabela, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonathan Garania, 23, pansamantalang naninirahan sa Barangay San Fermin, Caua­yan City at Raymond Ramones, ng Barangay Maligaya sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na im­bes­tigasyon ng Cauayan City-PNP, alas-5:00 ng hapon ay kasalukuyan na binabaybay ng isang itim na Honda Wave (B102HP), na minama­neho ni Garania, ang kahabaan ng kalsada sa nasasakupan ng Purok 1 Barangay Marabulig Uno nang sumemplang ang mga ito sa pakurbadang bahagi ng daan matapos sumalpok sa gutter ng kalsada ang sinasakyang motorsiklo at tumilapon ang dalawa at tumama sa isang punong kahoy.

Isinugod sa painakamalapit na pagamutan ang dalawang biktima subalit kapwa sila idineklara dead on arrival.

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with