^

Police Metro

Mag-asawang negosyante todas sa ambush

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-asawang negos­yante matapos na sila ay pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanilang SUV, naganap kamakalawa ng gabi sa Ortigas St., Brgy. 76, Pasay City.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilala ni Pasay Muslim Consultative Council President Sultan Haji Unnos Labay na sina  Kulingan Haji Jamil Saad at Junaid Haji Farhan Saad.

Sa ulat na isinumite kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Emmanuel Peralta, alas-6:25 ng gabi ay sakay ang mag-asawa ng Hyundai Santa Fe (NAV-5896) at binabagtas ang Ortigas St., sakop ng Brgy.76 nang harangin ng isang motorsiklo na lulan ang dalawang lalaki at agad na pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril, isa sa mga suspek ang lumapit sa sasakyan at kinuha ang isang vault at humarurot patakas sa direksiyon ng EDSA.

Sa salaysay ng dala­wang saksi na nakita nila ang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng uniporme ng pulis na sumakay sa mga nakaparadang motorsiklo sa Ortigas St., bago nagkaroon ng putukan.

Ayon naman sa isang miyembro ng Pasay Muslim Consultative Council na si Khalid Hassan na kilala niya  ang mag-asawa na may tindahan ng alahas sa Maynila at ugali na ng mga ito na iniuuwi ang vault mula sa kanilang tindahan na kadalasang naglalaman ng mga alahas at pe­rang napagbentahan na humigit-kumulang sa P15-milyon ang halaga sa kabuuan.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with