Chicken meat isama sa relief goods - DAR
MANILA, Philippines — Isama ang manok sa relief goods upang maibsan ang over-supply ng produkto.
Ito ang naging panawagan ni Agriculture Secretary William Dar sa mga lokal na gobyerno matapos silang makatanggap ng apela mula sa United Broiler Raisers Association nang bumaba ang demand ng manok sa merkado dala ng pandemya.
Sumang-ayon naman si Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa ideyang ito upang makatulong sa programa ng naturang departamento na “Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.”
Makikitang bigas, sardinas, instant noodles, asukal, at iba pang karaniwang pagkain ang kabilang sa mga relief packs na binibigay ng pamahalaan.
- Latest