^

Police Metro

Barangay execs, nahuling nagse-sex sa Zoom meeting nagbitiw na sa puwesto

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Dasmariñas City, Cavite na nagbitiw na sa puwesto ang barangay chairman at treasurer sa Dasmariñas City, Cavite na nahuling nagtatalik sa isang Zoom meeting.

Ayon kay Jorge Magno, presidente ng ABC Dasmariñas na nagpaliwanag na si Barangay Fatima Dos. chairman Jesus Estil sa nangyaring insidente.

“Si barangay chairman, nagresign na po para sa ikatatahimik po ng lahat. Humihingi po siya ng pang-unawa at pasensya sa lahat na ganoon ang nangyari,” ani Magno sa isang panayam.

Maging aniya ang barangay treasurer ay nagbitiw na rin para sa ikatatahimik ng lahat.

Sa video, makikitang sinusubukan pang takluban ng kapitan ang camera ng computer ngunit hindi napansin na may isa pang camera ang nakatuon sa kanila na napanood lahat ng mga opisyales ng barangay ng lungsod.

Sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na iimbestigahan nila ang nasabing insidente dahil labag ito sa public morals at code of conduct at ethical standards.

vuukle comment

SCANDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with