^

Police Metro

Nagpakalat ng malisyosong‘quote card image’ ni Año, kakasuhan

Mer Layson - Pang-masa
Nagpakalat ng malisyosong�quote card image� ni Año, kakasuhan
Masusi nang iniim­bestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) at ng Anti-Cyber Crime Group ang naturang insidente at sinigurong isasakdal ang mga taong nasa likod nito.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nagpakalat ng isang malisyosong ‘quote card image’ na nagsasaad na pinapayuhan umano ni Secretary Eduardo Año ang mga mag-asawa na magpraktis ng physical distancing matapos na magtalik.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, na isang malaking kasinungalingan ang ipinakalat na “quote card image” at   tiniyak na sasampahan nila ng kasong kriminal ang mga taong nagpapakalat.

“A malicious quote card image has been circulating on social media claiming that DILG Secretary Eduardo M. Año advises couples to practice physical distancing after having sex,” pahayag pa ni Malaya.

Ikinalungkot din naman ni Malaya na kahit panahon na ng public health emergency, mayroon pa ring mga tao na nagpapakalat ng pekeng balita at misinformation sa mga mamamayan upang manira ng mga taong gaya ni Año, na isa rin aniyang survivor ng COVID-19, at walang pagod na nagtatrabaho bilang vice chairperson ng National Task Force (NTF) against COVID-19, upang tuluyan nang masugpo ang naturang virus.

Masusi nang iniim­bestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) at ng Anti-Cyber Crime Group ang naturang insidente at sinigurong isasakdal ang mga taong nasa likod nito.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with